FAYE Nilalamig na ako, pero hindi ko alam kung paano bababa ng kama nang hindi nakikita ni Sir Adi ang aking katawan. Hanggang ngayon ay hubo’t hubad pa rin ako at kalong ko ang aking alaga dahil ayaw matulog ni Janica. Kanina pa tapos uminom ng gatas ang alaga ko, pero hanggang ngayon ay dilat pa rin ang kanyang mga mata. Umiiyak siya kapag nilalapag ko siya sa kama, kaya karga ko siya at marahang hinihele habang nakasandal ang aking likod sa headboard ng kama. Si Sir Adi naman ay nakadapa sa kama. Hindi man lang siya nag-abalang magbalot ng kumot. Ilang ulit ko rin siyang narinig na umuungol. Para bang may masakit sa kanya, pero hindi ako tumingin sa kanyang direksyon dahil natatakot ako sa maaari kong makita. “Bakit ba ayaw mong matulog ngayon, Janica?” Narinig kong tanong ni Sir A