FAYE Natulala ako nang lumapat ang labi ni Sir Adi sa aking mga labi. Nanlalaki ang aking mga mata habang nararamdaman kong sinisipsip niya ang ibabang labi ko at pagkatapos, pilit niyang ibinuka ang aking bibig na para bang gusto itong pasukin ng kanyang pangahas na dila. Hindi ako makahuma sa nangyayari ngayon. Napakalakas ng pintig ng aking puso at pakiramdam ko'y sasabog ito dulot ng kaba at takot na nararamdaman ko. Nagpumiglas ako, pero hindi ako makagalaw dahil bukod sa hawak ng isang kamay ni Sir Adi ang dalawang braso ko, sa aking ulunan ay nakadagan siya sa akin, kaya halos mapugto na ang aking hininga. Ganito pala niya ako gustong parusahan. Balak talaga niya akong patayin dahil ayaw niyang pakawalan ang mga labi ko, kaya hindi ako makahinga. Pakiramdam ko'y kaunti na lang