Chapter Twenty-five "Hi!" naalerto ang mga ito nang bumukas ang elevator at ako ang bumungad. "Nasaan si Luis?" sigaw ng babae na mukhang secretary ang ayos. "Secret!" nakangising ani ko. Pero tiyak namang hindi makikita ng mga ito ang ngisi kong iyon. "Sino ka ba?" sigaw ng babae sabay kuha ng baril nito sa tagiliran. Pero bago pa nito iyon magawa ay mas mabilis akong nakakilos at nakalapit dito sabay tutok sa noo nito ng baril. Hindi nakakilos agad ang tatlo pang kasama nito at pare-parehong nagtaas ng kamay tanda nang pagsuko. "Sino ang nag-utos sa inyo?" "Nagpapatawa ka ba? Malabong makuha mo ang sagot sa amin." Nakangising ani nito. Hindi man lang natinag sa baril na nakatutok sa noo nito. "Mukha ba akong joker? Kung hindi ko man makuha ang sagot sa 'yo, wala na pa lang s