Chapter 36 *She's my wife, Isaia Smith." Ani ni Kris na hinawakan pa ang bewang ko at bahagyang idinikit ang katawan ko sa kanya. Bahagya akong napahawak sa dibdib nito at napatitid sa gwapong mukha nito. Alam kong magiging okay na ito. Oras na nasa pangalan na nito ang shares. Dahil oras na may mangyaring masama rito once na nakapangalan na rito ay mapupunta sa charity ang lahat ng pag-aari nitong shares. Takot lang ng mga ito na mangyari iyon. "Napakaganda mo, hija." Puri ng isa. Halata namang disappointed ang iba dahil sa nangyayari ngayon. Pero tiyak na mas madi-disappoint pa ang mga ito oras na magsalita na ako. Ngumiti lang ako. "Pwede na nating pirmahan?" tanong ng isa. Nagsisang-ayon naman ang mga ito. "May gusto ko lang akong sabihin…" napatingin ang lahat sa gawi namin

