Kabanata 26... NAKITA NIYANG nagningning ang mga mata ng kapatid niya. Balewala ang huling binanggit ng binata, at alam niyang nasa utak ng mga kapatid ngayon ay ang pagkain na binanggit ng herodes na ito! Kaya ba ito nagpakita sa kaniya dahil dito? Dahil nabalitaan nitong kapos sila? Sumulpot ito at target niyang pagtripan! Ganoon ba? Puwes! Lalabanan kita! Mabilis na nagpasukan sa kuwarto ang mga kapatid niya. Pero malabong gawin iyon ni Linda. Pa matured na rin kase ang isip nito. Mayamaya at nagtanong ito sa kanila. "Ate, alam na po ba ni Tatay na may nobyo kana?" ang mata wala sa kaniya, kundi nakatingin ito sa binata. Sasagutin na niya ito ng biglang matigilan siya, bigla kaseng tumayo ang herodes na ito at inakbayan ako. Yung akbay na parang naging statwa ka. Yung parang hi

