Kabanata 92... AGARAN NANLAKI ang dalawang mata ko sa nabungaran ko ngayong umaga. Si Tatay na nakaupo sa sopa habang katabi nito ang ama ni Judie Mar. Si Don Valdez na nakatingin na sa akin at ganoon din si Tatay. Bigla akong kinabahan na baka ipinaalam nito sa aking ama ang mga inilihim ko rito. Mabilis kong binasa ang mukha ni Tatay kung may bahid ba ng lungkot o galit. Pero wala akong nababasa doon. "Magandang umaga hija." bati ni Don Valdez sa akin. "Ma-magandang umaga din ho. Kanina pa ho kayo?" mabilis na tanong ko rito habang ang atensyon ay na kay Tatay pa rin. "Hindi naman..." saka bumaling ito ng tingin kay Tatay. "Palabiro pala ang ama mo." Mabilis akong bumaling ng tingin rito,"A, e... Oho." pagkasabi ko 'non nagbalik tingin ako kay Tatay,"Tatay pwede hong maiwan muna k

