Kabanata 22... "MAGKANO 'to?" takang tanong ni Layla kay Nica ng ilagay pa nito ang isang bagay sa kaniyang bag. Nagtatakang eksakto naman na lahat ang naibigay nito. Lahat ay naka plastik at nakabalot na ng papel ang mga iaabot niya sa mga umorder. Hindi niya makita ang loob kung ano ba itsura ng mga iyon. Isa-isa na kase niyang sinabi kung ano ba ang mga size at bahala na ito. Pero hindi niya inaasahang nakabalot pa ito ng panregalo. Parang may b-day lang pag inabot niya! Nasa loob na sila ng sala nun. Minadali niyang ubusin ang pagkain niya gawa na rin ayaw niyang makita ang simpleng pagsulyap sa kaniya ni Judie. Saka wala na din siyang oras dahil 3 pm ng hapon ang usapan nila ng mga omorder sa kaniya. "Ipost mo, mabili din naman 'yan." sagot naman nito habang hawak pa rin

