Kabanata 81... MAY PAGMAMADALI ang kilos nito ng sabay kaming bumaba ng sasakyan nito. Nakatayo si Nanay sa may gilid ng makita ko, panigurado akong hinintay kami doon habang ang mga kapatid ko ay isa-isang nang nagpasukan sa loob ng kotse at kaniya-kaniyang kumuha ng gamit namin sa loob ng sasakyan at dinala sa loob ng bahay namin. Kulang na lang buhatin ako nito papalapit sa bahay namin dahil sa pag- akay nito sa akin. Huminto kami sa harapan ng pintuan. Hindi sinasadyang naisarado siguro ito ng mga kapatid ko dahil nakasarado iyon. Dahan kong itunulak iyon para bumukas. Nanlaki ang dalawang nata ko ng biglang bumungad sa harapan ko ang kakaibang itsura ng aming maliit na sala. Nagkalat doon ang mga bulaklak at pati na rin ang lobo na nagkukulay peach, red at white. Unti-unting nagl

