Kabanata 27... MABILIS NA LUMIPAS ang oras maging ang mga nagdaang araw. Ngayong araw ay day off ni Layla. Napagpasyahan ngayon umaga ay aasikasuhin niya ang napagdesisyunang pangungutang sa Loan Shop. 'Yun lang ang daan para makabayad sa hospital at ibang pangangailangan ng kaniyang ina. Minabuti niyang mag stay muna ng isang oras sa bahay ngayong umaga, lalaruin muna niya ang mga kapatid, kesa ang mokong na 'yun ang hanapin ng mga ito. Himala nga at ilang araw na itong hindi nagparamdam sa kaniya. Baka napagod dahil wala naman talaga itong mapapala sa kaniya. Baka din napilayan na ng isang paa o kaya nabakli na ang isang kamay. O kaya nagbigti dahil alam naman nitong wala itong panama sa kaniya. Binatukan kase niya ito huli nilang pagkikita. Doon kase nakibanyo at inubos nito ang tu

