Kabanata 38... "PST!" dinig niyang paswit sa kaniyang likuran. Oras ng lunch time nila ni Gernie iyon. "Pst!" Dinig ulit niya dahilan para lingunin na niya. At ng mapagtanto kung sino ba ang pumapswit. Mabilis siyang napatingin kay Gernie. "Break na talaga kami n'yan." Paliwang niya kaagad sa kaibigan dahil tinapunan siya nito ng nakapapasong tingin. Pero imbes na sumagot ito, gumalaw ang dalawang mata nito kasabay ang ulo sa pagtingala sa gilid niya. Maging siya'y nagtatakang napasunod sa paggalaw ng ulo nito. Si Judie, nakatayo itong nakangiti sa may gilid niya. Hindi niya makakalimutan ang katarantaduhang ginawa nito sa loob pamamahay ng mag-asawang Jake at Nica kinagabihan. "Tapos na 'kong kumain Gernie, may langaw na dumating. Bilisan mo at aalis na tayo... Oras na rin."

