Kabanata 65... 6 PM... MABILIS AKONG nag doorbell sa harapan ng gate nila Nica. Minuto lang at may matandang babae na nagbukas sa akin. "Magandang gabi po ma'am Leyla," pagbati nito sa akin. "Magandang gabi naman po manang." magalang kong sagot naman. "Naandyan po ba si Nica?" tanong ko ng mabuksan nito ang gate. "Oo, hindi naman umalis ng bahay dahil naandito si Sir. Jake." nakangiting sagot sa akin. Halos magkasabayan kaming humakbang papunta ng mansion. Tahimik akong naglalakad maging ito. Pasalamat na rin ako dahil hindi ako ginulo ni Judie matapos kong bantaan ito kanina. Dahil pagkatapos kong talikuran ito kanina sa opisina nito, hindi ko na rin ginawang sagutin ang mga text at tawag nito sa akin. Gusto kong matahimik ang utak ko ngayong gabi. Panindigan ang galit ko rito

