Kabanata 84... "GOOD MORNING, Mr. Judie Mar Valdez! Have a nice day! This is Miss. Chanchie Wong from Singapore Business Meeting." Malantik na anas ng babae sa kabilang linya. Nagkumahog akong ilagay sa ibabaw ng tenga ni Judie Mar ang telepono habang ang itsura nito ay hindi ko maipaliwanag dahil sa ipinukol na pagtitig nito sa akin. Para kase itong binuhusan ng malamig na tubig at may halong pamumutla ng sagutin ko ang telepono nito. Mabilis naman nitong hinawakan ang telepono na ipinatong ko sa tenga nito para hindi malaglag. "Business meeting mahal," bulong ko rito. Daig ko pa tuloy ang bold star sa itsura ko. Hubo't hubad kase ako! Bakit kase nakipag unahan pa ako sa cellphone nitong tumutunog?! Inapuhap ko isa-isa ang mga saplot ko sa likod ng inuupuan nito saka isinuot. Ma

