Kabanata 76... "ANONG NANGYARE sa'yo?" gulat na tanong ni Gernie ng makita ako nitong naglalakad papasok sa loob ng mall at 'di ko namalayang nasa tabi ko na pala ito. Mabilis kong inilihis ang mukha ko, kunwareng walang narinig. Kahit hindi ko ito nakikita, nagawa nitong umismid bago magsalita, "Magsabi ka! May problema ka ba Layla?!" pagalit na tanong nito habang sabay na kaming humahakbang palapit sa pwesto. Halos hindi ito kumukurap sa pagkakatitig sa akin, mukhang binabasa ang itsura ko kahit ba humahakbang kami. Hindi ko inaasahang magkakasabay pala kami nito. Sinadya ko na ngang ma late ng sampung minuto para diretsyo na ako sa pwesto at para malibang. Hindi rin pala! "Wala naman. Ano ba ang nasa isip mo? Umiyak ako dahil lang sa lalaki?" pangunguna ko dito. "E, ano 'yang

