Kabanata 56... MABILIS NA NAPABALING si Layla ng tingin sa kaniyang likuran. May halong kaba at takot ang nakapaloob sa kaniyang dibdib. Pakiramdam niya may mabangis na hayop na sumusunod habang naglalakad siya. Lalong tumindig ang balahibo niya ng may boses siyang narinig at hindi niya mahulaan kung tao ba o hayop na umaalulong dahil samo't sari na ang nasa isipan niya. Ang pawis na nagkalat sa mukha niya ay mapagkakamalang luha dahil nagkalat na iyon sa pisngi niya. Balewala ang damit niya kung pupunasan niya iyon dahil halos basa na rin ang,l harapan at maging ang likuran niya. Muli, nilingon niya ang kaluskos na naririnig niya. Tila ba di nalalayo iyon sa kinatayuan niya. Awtomatikong napalunok na lang siya ng laway. Mabilis din niyang pinahid ang pawis na patulo sa kaniyang nuo

