Kabanata 28... MAGKAKASABAY silang nagtinginan kay Jam. Nakatayo ito at nakatingin sa kanilang dalawa ni Joven, sa itsura ay gusto ng magsimula. Napansin din niyang nasa sopa na ang limang mga baguhan at tila ba handa na ang mga ito. Hayon at nag uumoisang inaapuyan na naman ang kaniyang sintido. Nagtama kase ang paningin nila ng kapatid. Itsurang kalmado at tila ba hindi nangangamba sa mangyayare. Parang nakasisiguro ito na makakapasok sa grupo ni poty. "Joven, assistant ka ni Judie Mar. Nasa kabilang cabinet ang mga papel, nasa table ko naman nag original document para sa makakapasa ngayon araw." ulas ni Jam. "Okay, bro." maikling sagot ni Joven. Habang nakatingin lamang siya sa mga ito. Tumalikod si Jam at minarcha kung saan ba mga nakaupo ang limang aplikante. Nakita niyang ki

