Kabanata 52... TULALANG nakaupo ng makita siya ni Gernie. Katatapos lang nilang kumain 'non, at dahil nauna siyang natapos bigla na lang sumagi sa isipan niya ang binata ng maidikit niya ang puwet sa may damuhan. "Ang lalim ng iniisip mo," usal nitonh tanong. Hindi na niya namalayang nakalapit na ito at umupo sa may tab niya. "Ha?" maang na tanong niya ng lingunin ang kaibigan. "H'wag mong isipin 'yung sinabi ni Carlo sa'yo. Nagbibiro lang 'yon." "Hindi naman..." malamlam na sagot niya, "Hindi ko kase maintindihan yung sinabi ni Judie." hindi mapigilang usal niya. "Bakit, siya ba 'yung tumawag sa'yo kanina?" tanong nito na mabilis namang tinango niya. "Mukhang susu—." natigilan siya ng biglang may sunod-sunod na kotseng dumaan malapit sa kanila ni Gernie. Doon napako ang atensy

