Kabanata 50... TINATANAW NIYA si Gernie kung naandito na ba sa loob ng mall. Halos kase ng mga tauhan ay nakatayo na sa labas ng mall habang hinihintay ang sasakyang maghahatid sa kanila sa Baguio. "Naandito na ba ang lahat?" Naka mikropong tanong ng bakla sa kanilang lahat ng biglang mapatingin siya. "Nasaan ka na ba, Gernie? Bakit hindi kita makita?" bulong niya sa sarili. Saka inilibot ang dalawang mata. Nang 'di makita ang kaibigan nagbaba siya ng paningin sa may pulsuhan. Mag aalas nuwebe na ng umaga at kinse minuto na lang, paalis na sila. Nagtatakang ginawa na din niyang itext ito, ngunit walang reply. Tinawagan na rin niya sa numero nito ngunit out of coverage area ang cellphone nito. Walang nagawang pinagdaop niya ang palad, bumubulong na sana umabot ito sa oras dahil m

