Kabanata 59... 8:30 PM, HABANG mahigpit na kapit siya ni Gernie sa may palad. Hinila siya nito palabas ng tent. Hindi na niya nagawang makatulog after nilang mananghalian ni Gernie, hindi na kase siya nito hinintuan tanungin at inabot sila ng alas sais ng gabi sa katatanong nito sa loob ng tent. Matamlay tuloy ang katawan niya. At ang masakit, nuong masagot niya lahat ng katanungan nito, nakatulog ito. Tsk! Pero matapos niyang maghapunan pumasok siya sa loob ng tent dahil namigat ang talukap ng dalawang mata niya at kung hindi lang siya nito ginising at baka kinabukasan na ang gising niya. Mabuti rin at walang tawag na mula kay Judie, pero ang totoo kada tunog ng cellphone niya kanina, mabilis niyang sinisipat kung sino ba ang tumatawag at nagcha-chat sa kaniya. Lumipas ang oras wala

