“MOMMY!” Tawag sa kanya ni Elijah nang umingit at magsimulang umiyak ang kapatid nitong si Rory. May ngiti sa labi niyang binuhat ang tatlong buwang gulang na sanggol. Yumakap naman sa kanya si Elijah at pinagmasdan nito ang kapatid nito. Lalong lumawak ang pagkakangiti niya nang halikan ni Elijah sa ulo si Rory. Sobrang sweet talaga ng panganay nilang ito. Sa katunayan, stress reliever ito ni Javi at happy pill niya rin. Marinig niya lang ang tawa nito o kahit tinig ay naalis na ang mga gumugulo sa isipan niya. Magmula ng iuwi nila ito sa bahay nila, ang dating tahimik na pasilyo ay napuno ng mga ingay dulot ng yabag nito. Sumaya lalo ang tahanan nila dahil dito. Kapag tumawa na ito talaga naman pati sila matatawa na din. Nahihirapan na din pumasok sa opisina ang asawa niya dahil ayaw ma
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books