Point of view - Steffi Dwight - Nagsimula akong ayusin ang aking mga gamit dito sa loob ng hotel, ang mga tinupi kong damit ay isa-isa kong inilagay sa loob ng kabinet. Matapos akong mag-ayos, dahan-dahan akong umupo sa kama na aking tutulugan at inilibot ang aking paningin sa loob ng silid. Ito ang bago kong tirahan, dito magsisimula ang aking bagong buhay. Bahagya akong napangiti at humawak sa aking maliit na tiyan, saka ako yumuko at tiningnan ito. "Nagustuhan mo ba ang paligid, mahal kong anak? Wala na tayo sa pilipinas, malayo na tayo sa mga taong nananakit sa ‘tin." Muli kong inilingon ang aking ulo sa paligid at nasulyapan ng aking mata ang isang malaking kurtina na nagtatakip sa balcony ng condong ito. Marahan akong tumayo ay lumakad sa kinaroroonan nito. D