Point of view - Steffi Dwight - Makalipas ang pamamalagi namin sa ospital, sa wakas ay nailabas ko na ang anak kong si Jake mula rito, nakauwi kami sa condo kasama si Josh. Ramdam ko ang panghihina ng aking katawan at ramdam ko ang sakit nito. Dahan-dahan akong umupo sa aking kama habang tinitingnan ang lalaking nakatayo sa aking harapan. Tila isang ama ang kaniyang hitsura habang hawak-hawak niya sa kanyang bisig ang maliit na katawan ng aking sanggol. "Josh, ako na d’yan. Pwede ka nang umuwi," saad ko habang nakangiti sa kaniya. "Sshh, ‘wag kang maingay. Natutulog na siya, ang gwapo ng itsura ng batang ito, mana sa akin. Umamin ka nga, pinaglihian mo ba ako?" Kumunot ang aking noo sa kanyang sinabi. "Puro ka kalokohan." Marahan akong tumayo upang kuhain ang aking