Point of view -Steffi Dwight – Ang pag-ibig na nabuo sa kasalanan, kailanman ay hindi titigilan ng tadhana. Ang tadhanang susubok sa tibay at tatag ng inyong damdamin, ang tadhanang wawasak sa pag-iibigang hindi tama, ang pag-ibig na ninakaw sa iba, ang tadhana na lamang ang huhusga. Sunod-sunod ang sakit na aking nadarama, sunod-sunod ang luhang pumapatak sa aking mga mata. Ang pag-ibig na inakala kong pupukaw sa nadurog kong puso, ay siya rin pa lang dahilan upang ito'y tuluyang maging buhangin. Nakaupo ako ngayon sa aking higaan habang ang luha sa aking mata ay paulit-ulit kong pinupunasan. Maraming katanungan ang tumatakbo sa aking isipan. Bakit? Paano? Anong nangyari? Tila kahapon lang masaya kaming dalawa. Tila kahapon lang hinagkan nya ang aking labi. Ngunit ano ito