Point of view - Blake Robinson - Matapos akong maglinis ng aking katawan ay agad na akong lumabas sa shower room Ngunit sa aking paglabas, nasulyapan ng aking mata si Steffi na nakatayo malapit sa study table, nakatitig sya sa isang bagay. At nang aking tingnan kung saan siya nakatingin Nanlaki ang aking mata nang makita ang litratong kanyang tinititigan. "S-Steffi." Saka nya lamang ako napansin noong ako ay magsalita. "Steffi let me explain." Ihinakbang ko ang aking paa papunta sa kinaroroonan nya subalit. "’Wag kang lalapit, d’yan ka lang! baka kung anong magawa ko sa ‘yo kapag nilapitan mo ako!" malakas niyang sigaw. "Sabihin mo sa akin, Blake! bakit kasama mo si Raymond sa litratong ito?" Ramdam ko ang pagtataka at galit sa kanyang tinig. Mariin kong naikuyom