Point of view - Steffi Dwight - Cheating is a choice, isa itong bagay na pinili ng isa o dalawang tao. Ngunit paano kung ang pagtataksil na ito ay dala ng iyong kainosentehan? Paano kung ang mga mabulaklak na salita mula sa taong sa ‘yo ay nagpaasa ay tuluyang lumason sa iyong isipan? Hindi ko ninais na pagtaksilan ang aking kaibigan, kahit kailan ay hindi ko naisip na magagawa ko ito sa kanya. Ngunit heto ako, nagpadala ako sa kabutihang loob ni Blake noon. Dahil ako ang kanyang personal secretary, madalas kaming magkasama sa lahat ng oras. Madalas siyang ngumiti sa akin nang una ko siyang nakilala. Hanggang sa, hindi ko akalaing mahuhulog ako sa bitag na kaniyang ginawa. Noong panahong iyon, nang kami ay nasa business meeting, isang pagsasalo ang idinaos. Kasama ang aking bo