Point of view - Steffi Dwight - "May problema ba, Steffi? Bakit mukha kang malungkot? "Wala naman ito, Cassie. Na miss lang talaga kita." Isang matipid na ngiti ang binigay ko sa aking kaibigan, Habang kami ay nakaupo sa kaniyang sala, hindi ko mapigilang iikot ang aking mga mata. Ang lugar na ito ay hindi pa rin nagbabago. Ang lugar na ito ay ang naging pansamantalang tirahan ko noong mga panahong mag-isa lang akong lumalaban. "Steffi, kumain ka muna. Nag-bake ako ng mga cookies." Nakita ko ang pagkaing inilapag niya sa lamesa, inabot ko ito at tinikman. "Cassie, bakit hindi ka na lang mag-baker? Magaling ka kasi mag-bake, e." Tumawa muna si Cassie bago siya tumugon sa aking sinabi, "Sira! hobby ko lang iyan. Pero ayoko gawing career." Sabay kaming ngu