Iris's POV "Good morning baby." bati ko sa bunso namin. Sabay kaming nagising. Pagtingin ko sa kabilang side ng kama ay wala na si Dustin. Tiningnan ko kaagad ang orasan. Alas syiete pa lang ng umaga. Minsan pumapasok siya ng office alas nuebe. Minsan pa nga alas dyes. 'Di bale na raw ang ma-late siya naman daw ang boss. Naibaling ang aking paningin sa pintuan ng marinig kong bumukas ito. Iniluwa mula doon ang napakaguwapo kong asawa. As, usual, siya na naman naghanda ng breakfast. Napatampal ako ng noo dahil naunahan na naman akong magising ni Dustin. Ako dapat yung gumagawa no'n pero bakit siya pa yata itong nagluluto sa umaga. "I'm sorry, hon. Tinanghali ako ng gising." tumayo kaagad ako sa kama para salubungin siya. Suot ko ang malaki niyang tshirt. Kaya hindi naman nakaligtas

