"Iris David and —" Natigilan ako dahil hindi ko pa pala alam ang last name ni Rake. Ang boba ko naman. Pakakasalan kong tao, hindi ko alam kung anong apelyido. "Rake Castillo." si Rake na ang sumagot. Ilang minuto kaming naghintay bago ulit nagsalita ang babae. "Ma'am, sigurado po ba kayong magpakasal kayo ulit? I mean ikaw po, Ms. Iris?" Nalaglag ang aking panga. Anong ibig niyang sabihin. "Based here, you already have a record here that you are married." "M-married? A-ako?" "Opo, Ma'am. Kung gusto niyo po magpakasal ulit. Dapat po, magkaroon muna kayo ng annulment ng ex-husband mo." Naglandas ang aking mga kilay at nanatiling nalaglag ang aking panga sa sinabi ng babae. "P-paanong kasal, Miss? Hindi pa ako ikinakasal. Ngayon pa lang ako magpapakasal." naguguluhan na tanong ko.

