Iris POV One week na ang lumipas pero hindi pa rin kami nagkakaayos ni Dustin. Panay ang hingi niya ng sorry sa akin pero hindi ko ito pinapansin. Pinapalabas ko siya sa kwarto Ngayon, masyado na sigurong matagal ang one week kaya napagpasyahan kong patawarin na siya. Lalo na ngayon, buntis ako sa pangatlo namin. Kalalabas ko lang sa banyo dahil bumili ako ng PT kanina. Dahil sa panay ang pagsusuka ko sa umaga at nahihilo rin ako, isa pa hindi pa ako dinadatnan kaya alam kong buntis ako. Dahil ganito naman ang nangyayari sa akin noon habang pinagbubuntis ko si Danny at maging si Daniel. DINAANAN ko muna sa tanghali sa school si Daniel para ihatid sa bahay. Kauuwi ko lang galing sa sarili kong botique. Umuwi ako dahil gusto kong puntahan si Dustin sa kaniyang office para makipag-usap.

