Iris POV "UMUPO KA KUNG AYAW MONG KALBUHIN KITA!" mariin na bulong ko sa higad na ito. Pasimple kong sinabunutan para umupo. Hindi pa kami tapos mag-usap. "Huwag mo akong tatakutin, Iris!" pabalik niya rin na bulong sa akin. Medyo natawa ako dahil nanginginig ang boses niya. "Hindi kita tinatakot, Grace. Kalmado ako ngayon kaya umupo ka na kung ayaw mong pati yang suot mo na halos kita na 'yang kaluluwa mo ay hilahin ko! Ayaw mo naman siguro mangyari' yon, 'di ba?" sarkastikang bulong ko ulit sa kaniya. Mas hinigpitan ko pa ang pagsabunot sa buhok niya. Nahablot niya ang sarili mula sa akin. Inirapan niya ako tsaka padabog na inilapag ang kaniyang Gucci bag sabay upo nito. I smirked. Umupo naman ako sa tabi ni Dustin. Nag-order si Dustin kaya um-order na rin ako. Sumunod naman

