Dustin's POV Nagsinungaling ako. Bakit nga ba ako nagsinungaling? Matagal ko ng kilala si Grace. Magkababata kaming dalawa, isa pa nagkaroon kami ng relasyon ngunit isang buwan lang ang tinagal. Kaya siguro sinadya ni Pops na ako ang susundo kay Grace dahil alam nito kung gaano kami ka-close noon ni Grace. Pero hindi nito alam na nagkaroon kami ng relasyon. Madali lang naman sabihin kay Iris na kababata ko si Grace pero hindi ko nasabi. What's wrong with me? Para ko na rin niloko ang asawa ko. Nagsisinungaling ako sa kaniya Dalawang beses akong nagsinungaling sa kaniya. Una, sinabi ko sa kaniyang nakita ko lang si Grace sa picture, pangalawa, sinabi kong magkaiba kami ng room pero ang totoo nasa room ko si Grace. Kasalukuyan siya ngayong naliligo. Hindi ko naman matanggihan si Gr

