Kabanata 53 Revelations part. ii Reign JOURNAL: Sasabihin ko na sana kay Reigh kung dapat na ba akong matakot kahit na hindi pa niya ako ginugulat pero seryosong-seryoso kasi yong mukha niya na para bang walang lugar ngayon yong mga jokes ko. Hay. May pagkabipolar talaga 'tong si Reigh pati tuloy ako nadadamay. Imbiss na wala naman dapat sa role ko dito ang maging seryoso mapapaseryoso ako ng wala sa oras ng dahil sa kanya. *sigh* "Reigh, sasaktan mo ba ako?" Seryosong tanong ko sa kanya. Mula sa pagiging seryoso naging gulat naman ngayon yong reaction nuya. Gulo talaga nitong is Reigh. Nagtatanong lang din naman ako tapos kung maka-react daig pa ang nasa Ikaw Lamang. Haha! Kung pwede lang matawa kanina pa ako natawa dito, feeling siguro nitong si Reigh siya si Coco Martin, ano? Haha