Kabanata 6 Si Barbie Sana Reign JOURNAL: Nandito na kami ngayon sa malaking-malaking building. ^___^ Na-sobrang daming tao, mas malaki pa 'to sa MASS Company taz ngayon lang ako nakakita ng madaming tao Nyahaha! Iba-iba yong mga itsura nila, pati mga suot taz my mga malalaki at maliit ding tao. ^___^ "Reigh! Reigh san ba tayo banda dito pupunta?" Kanina pa kasi kami dito sa loob, at lakad lang kami ng lakad. Kanina ko pa din napapansin na yong mga nakakasalubong naming babae, kung hindi masama yong tingin sakin ang lagkit naman ng tingin kay Reigh. Mukha bang walking cake 'tong si Reigh kaya sila malagkit tumingin sakanya? O kaya naman... O___o??? Baka Bubuyog pala 'tong si Reigh at nagbabalat kayo lang syang tao? Oh my God... Pero bakit nga ba ang sama ng tingin nila sakin? L