Brandon never expected that he’d wake up without a trace of his wife. Para siyang baliw na hinahanap si Vianna Laura sa kabuuan ng mansyon niya pero wala ito roon. Halos magwala rin siya dahil walang nakakaalam kung saan iyon pumunta. Gumising siya na malinis siya, iba ang damit na suot at walang marka na galing siya sa paglalasing kagabi. He’s more than sure that his wife took care of him. No one would dare do it. Alam ng mga kasambahay na ayaw niyang pinakikialaaman siya kapag lasing. Pero ngayon, namumuti na ang kaberdehan ng mga mata niya, wala na ang babaeng nag-asikaso sa kanya. Lumayas iyon at hindi niya alam kung saan pumunta. “Tang-ina! Mga walang silbi! You’re all damn fired! You get the f*****g thing?! You’re all fired! Magsilayas kayo!” singhal niya sa lahat at ang mga