Brandon stepped in like a knight who doesn’t know defeat. Wala siyang maramdaman na pagkapagod kahit na maghapon na siyang paikot-ikot. Naglalakad siyang mag-isa, nagmamaneho na mag-isa. Nanggaling siya sa UST at nakiusap na bigyan ng special entrance exam ang misis niya, at pumayag naman ang Dean matapos na marinig ang paliwanag niya. Galing siya sa kumpanya, sa kapitolyo, sa Presidente at ngayon nasa mansyon ng mga Loyola. It’s a place where he had spent his younger years but now he regrets a lot. He wants to retch. “Sir Brandon!” anang kasambahay nang makita siya at saka iyon dali-daling umalis, malamang tatawagin ang ‘artistahin’ niyang nanay at ang walang hiya niyang amain. Gusto niyang itanong, saan kayang sulok ng impyerno kumukuha ng kapal ng mukha ang dalawa? Ang ina niya?