Chapter ninety seven JAIRUS POV’S Idinala kami ulit sa kwarto ng may marinig akong putok ng baril mula sa labas hindi ko alam ang nangyayari natataranta ang lahat “ Mukang narito na sila” sabi ni Tori “ Sino?” “ Makaklabas na tayo” Hindi ko sya maintindihan nawawalan na rin ako ng pag asa, sino naman ang magliligtas sa amin dito? Sino ang tutulong? Mga pulis? Pero baka huli na kapag dumating sila o bago pa nila malaman ang lugar na ito ay baka patay na kaming lahat dito na mga bihag Si Kae? Imposibleng maligtas niya kami baka sya pa iligtas ko ayoko naman syang pumunta dito lalo na ang mga kaibigan ko dahil may mga pamilya na sila ayoko silang madamay Kaya nawawalan na talaga ako ng pag asa na makakalabas kami dito ng buhay kaya ako nakipaglaban kanina kay Ashtone upang makaganti

