Chapter fifty KAE’S POV’S Parang ayaw kong lumapit sa kwartong sinabi sa akin inamin ko na ako ang asawa nung lalake sabi kase nung nakausap ko may kasamang babae yung hinahanap ko Ayaw pa niyang ibigay yung duplicate ng susi ng kwarto nay un napilitan lang sya ng sabihin ko na ako ang asawa at nag makaawa ako sa kanya buti na lang at naawa sya sa akin Palapit na ako ngayon doon kabang kaba ako sana kamukha lang ni Jairus yun baka nga kamukha lang niya mahirap din kase matandaan ang itsura lalo na at napakaraming lalake dito Ang tagal kong nakatayo dito sa pinto halos ilang minuto din ayaw ko buksan hindi ko alam ano magiging reaksyon ko kapag si Jairus ang nakita ko Pero hindi ko pa nabubuksan ang pinto ay bigla na lang itong bumukas ng kusa kaya nagulat ako at napaatras ng kaunti