Typos and grammatical error ahead!!!! ●●● VIENCE POV: ●●● "Ayaw mo ba mag stay sa kanila muna?" Tanong niya sa akin habang pauwi na kami ng bahay. Ilang ulit na niya iyong tinanong pero tumanggi ako. Hindi naman sa ayaw ko na makasama ang mga magulang ko pero mas gusto ko siya kasama ngayon. Iyong nakikita minu-minuto. "Bakit mo ba pinagpipilitan?" Naiinis na tanong ko. "Kanina mo pa tinatanong iyan. Bakit gustong gusto mo akong iwan sa kanila?" Pasigaw na din na dagdag ko. "Hindi naman sa ganun.. ang.." "Siguro kaya mo sila hinanap agad para mapalayas mo na ako sa bahay mo. Kaya siguro ang bilis mo silang nahanap dahil ayaw mo ng alagaan ako kaya mo pinagpipilitan ngayon ang pagtira ko sa kanila." Galit na galit na tanong ko. Nagsasawa na ba siya sa kakaalaga sa akin? Wala pa ngan