Typos and grammatical error ahead!!!!! VIENN POV; "WHAT are waiting for?" Tanong ko sa kanya matapos kong maayos na maiparada ang kotse sa garahe ng wala parin siyang kagalaw galaw para bumaba. Tumingin lang siya sa akin. Kanina ko pa siya kinakausap pero wala parin siyang imik at ayaw magsalita. "You are safe now. Kaya pwede bang huwag kang umakto ng ganyan. Hindi ako sanay." Wala parin siyang naging imik pero kumilos naman siya para bumaba na. Walang lingon-likod at tuloy tuloy lang sa pagpasok ng bahay. Naiiling na lang na itinulak pasara ang pintuan na nilabasan niya at sumunod na sa kanya. Hindi ko na siya naabutan pa sa sala. "What a mood." naiiling na lang akong naupo sa sofa at tumingin sa taas kung saan tanaw ko ang nakasaradong pintuan ng silid niya. "I told you my little