Typos and grammatical error ahead!!! #17_Vience; "Apaka bastos ng amo mo." Kausap ko kay Granger ng magpasya akong magpahangin sa may lawn ng bahay niya at sinamahan nga ako ni Granger ng umagang iyon. Tumahol ito na para bang sumang ayon pa sa sinabi ko. Si Granger na lang kasi ang naging kasa-kasama ko sa bahay. Mag iisang linggo na din ang matuling lumipas at pang walong araw na ngayon na hindi na nga siya umuwi ng bahay kaya naman naging payapa ang bahay sa loob ng isang linggo na iyon. Naboboring nga lang ako ngayon dahil hindi naman ako basta makalabas ng village dahil ng tangkain ko noong isang araw na lumabas ay pinigilan ako ng nagbabantay sa gate. And take note. Pumayag nga silang lumabas ako pero may sumama sa akin paglabas ko ng A. Place. Akalain mo iyon. Para namang reyna