Typos and grammatical error ahead!!! #15_Vience; Parang bulkang sasabog ang ulo ko sa galit. Naiinis talaga ako. Manloloko siya. Nag alala pa naman ako ng slight sa kanya pero hindi pala totoo. Takot na takot pa naman ako sa posebleng mangyari sa kanyang masama sa pagkakapalo ko ng ulo niya. Natuluyan na lang sana siya. Gigil niya ako eh. Saka hindi ko naman sinadya ang pagpalo ko sa kanya dahil ang akala ko ay may nakapasok na magnanakaw sa bahay kaya naging alerto lang ako lalo na at naging kahinahinala ang kilos nito. Idagdag pa na walang ilaw kagabi kaya hindi ko siya namukhaan. "Makakaganti din ako sayo Dan Bautista." Kuyom ko ang mga kamao na parang gusto kong suntukin siya kung nasa harapan ko lang. Gusto ko ulit siyang paluin para matuluyan na siya ng hindi na nagkukunwaring ma