Typos and grammatical error ahead! ¤¤¤ VIENN POV: ¤¤¤ "HEY! Anong nangyayari sayo?"tanong ko sa kanya ng maabutan kong nakasimangot habang nakaupo sa gitna ng kama. Natapos na ako sa pagligo ko sa umaga pero naabutan ko parin siyang nasa ganung ayos. "Nahihilo ako." Pasigaw na sagot niya. "Tapos naduduwal ako. Tapos ayaw kong bumangon." Dagdag pa niya na parang naiiyak siya habang sinasabi iyon. "What? Ano ba kasing nakain mo kahapon at nagkakaganyan ka?" "Kasalanan mo ito. Kinain ko lahat ng cake na binili. Pero gutom parin ako. Kahit na ang dami ko ng kinain." Kunot ang nuo kong nilapitan siya at sinalat ang ulo. "Wala ka naman lagnat. Tumayo ka na nga diyan. Tatlong araw mo ng hindi binibisita ang coffee shop mo." "Ayaw ko. Ayaw ko. Tinatamad ako. Gusto ko lang matulog ngayon