Typos and grammatical error ahead!! 11_Vienn; "Baba na." at pinagbuksan ko pa siya ng pinto. Nauna na nga akong bumaba at papasok na sana ng mapansin kong wala yatang balak bumaba kaya bumalik ako at pinagbuksan na siya ng pinto. Isang matalim na tingin lang ang isinagot niya sa akin at hindi ako pinansin. "Bababa ka ba o matutulog ka dito sa kotse?" Tanong ko pa na may pahila na sa kanya. "Bitawan mo ako. Uuwi ako. Ihatid mo ako. Ano ba?" At kumapit pa talaga sa manobela. Sinabayan pa ng pagtahol ni Granger ang pagtatalak niya. "Ang ingay mo talaga. Nandito na tayo kaya wala ka ng magagawa. Baba na." Sabay hila ulit sa kanya pero ang tigas ng paninindigan niyang ayaw bumaba kaya nakipaghilaan ako sa kanya. "Aaaaaayyyyyyyyy." At dahil ayaw niyang bumitaw sa kotse ko kahit nahila