Kabanata 3

1420 Words
"Pa, gaano pa ako katagal maghihintay? I'm old enough to handle everything. I even went abroad to study. I know a lot of connections too na pwede nating makasosyo at ma-expand ang ari-arian natin. Ano pa bang kulang?" naiinip na sambit ni Andre sa kanyang ama na si Don Arturo. Nakatayo si Don Arturo sa malaking terrace at pinagmamasdan ang lawak ng kanyang lupain. Napakalaki ng hacienda, paano pa kaya ang lupang pag-aari niya na libu-libo ang ektarya. "Huwag kang mainip, Andre," wika ni Don Arturo. "Alam ko kung handa ka na o hindi. I can feel it, hijo. Just give me more time." "Alam kong hindi ka pa handang ibigay sa akin ang lahat, Pa," seryosong saad ni Andre. "Pero sigurado akong kaya kong pamunuan ang Destileria at ang palayan. Kaya kong palakihin ang kapangyarihan ng Dela Torre because I am a Dela Torre." Ramdam ang determinasyon ni Andre sa kanyang mga salita at hindi siya makakapayag na hindi niya makuha ang lahat. Samantala, tahimik lamang si Don Arturo habang pinagmamasdan ang kagandahan ng kanyang lupain. Naiirita si Andre sa kanyang ama dahil hindi man lamang ito apektado sa kanyang mga sinasabi. Nasipat ni Don Arturo ang pagdating ng pamilyar na vintage car. "The Andradas are here. You better go downstairs and welcome them," saad niya kay Andre. Pinaikot ni Andre ang kanyang mga mata at bumulong ng mga salita. Gayunpaman, sinunod niya pa rin ang utos ng kanyang ama. Bumaba siya at pinatuloy ang mga Andrada. "Good to see you again, Tita Matilda," pagbati niya. Bineso siya ni Matilda Andrada at kinamayan naman siya ni Arnaldo Andrada. "You should be staying here for awhile kaysa bumyahe pa ng malayo," dagdag pa ni Andre. "We have a lot of guest rooms, Tita." Nginitian siya ni Matilda. "It's alright, hijo." "By the way, where is Ara?" tanong ni Andre. "She's still outside. Alam mo naman may pagkamatigas ang ulo ni Aurora," nakangiwing wika ni Matilda. "Papasok na rin siya niyan." Pinaupo ni Andre sa malawak na living room ang mga Andrada habang hinihintay si Don Arturo sa pagbaba nito mula sa itaas. Ginamit ni Andre ang sandaling ito para makausap ng masinsinan ang mag-asawang Andrada. "Uh, Tita Matilda,," panimula ni Andre. "About the marriage..." Ngumiti si Matilda matapos siyang humigop ng kape sa mula sa tasa. "It's settled, Andre. We've been talking about that for a few weeks. And we are glad to be part of your family soon," ani Matilda. Napangisi ng palihim si Andre. Ang mga Andrada ay pangalawa sa mga nangunguna sa paggawa ng asukal. Sila ang nagmamay-ari ng napakaraming manufacturing ng asukal at lupain ng sugarcane sa buong Pilipinas. At dahil interesado sila sa paggawa ng alak at nais nilang makilala ang mga Dela Torre. Ang mga Dela Torre naman ang nangunguna sa paggawa ng alak sa buong Pilipinas, ang Destileria Dela Torre. Nakilala nila si Andre sa isang malaking conference at inilapit niya ang sarili niya sa mga Andrada. Kinaibigan niya ang mga ito hanggang sa magkaroon na ng connection ang kanilang mga pamilya. At dahil dito ay nakilala niya si Ara. Si Andre rin ang may planong maikasal sila ni Ara. "Much better po, Tita, kung huwag muna po nating banggitin kay Papa ang pagpapakasal namin ni Ara. And I also want to make Ara comfortable with me. I don't want her to think na power lang ang dahilan kung bakit gusto ko siya. I like her because she's not just the most beautiful woman I have seen in my life, but she is really extra ordinary. I don't need to elaborate further because you know Ara better than me, Tita Matilda, Tito Arnaldo," saad ni Andre. Napaka-promising ng pananalita ni Andre sa mag-asawa ngunit sa kabila nito ay kailangan niya itong gawin para makuha pa lalo ang loob nila. "I hope magkaroon kayo ng genuine connection ng anak ko, Andre," wika ni Arnaldo. "She's stubborn. But once you have her heart, you are the luckiest man. I know my daughter and I only want whats best for her." "And I know what's best for me too, Tito," wika ni Andre habang nakangisi siya ng palihim. "You don't need to worry about your precious daughter. She will be in good hands kapag naikasal na kami." "Ipinagkakatiwala ko ang anak ko sa iyo, Andre," wika ni Matilda. "I hope alagaan mo siya nang mas higit pa sa paggawa-aalaga namin sa kanya." Kung maaari lamang na paikutin ni Andre ang kanyang mga mata habang kaharap ang mag-asawang Andrada ay ginawa na niya kanina pa. Sa kaloob-looban niya ay inip na inip na siya sa usapan nila at nais nang makaalis upang makapagsugal sa casino dahil natalo siya ng mahigit kalahating milyon kagabi. "Good to see you again, Arnaldo and Matilda," bati ni Don Arturo sa mag-asawa. "Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Kailan magsisimula si Ara sa pag-aaral sa paggawa ng alak? My Destileria is very open to her anytime." "Thank you so much, Don Arturo. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa kabutihan mo," ani Arnaldo. "Ara is a bright child and a good daughter," ani Don Arturo. "Siguradong marami siyang makakalap na kaalaman sa paggawa ng alak sa aming Destileria." "I am shy to ask when she could start with it, Don Arturo," nahihiyang sambit ni Matilda. "She can start tomorrow if she wants," ani Don Arturo. "In fact, sinabihan ko na ang mga kasambahay na ihanda ang kanyang magiging kwarto dito sa hacienda. Kaya naman niyang matutunan ang paggawa ng alak sa loob ng isang buwan. But that's just the knowledge. The skill of making wine is much complex than just knowing about it. Kaya pinahihintulutan kong manatili siya aa hacienda hanggang sa matuto siya ng husto." "Don Arturo," ani Arnaldo. "What can we do for you ro repay your kindness?" dalisay na tanong ni Arnaldo. "Arnaldo," ani Don Arturo. "I only want a child to learn something useful. A skill. Ang matuto si Ara ang kapalit. Hindi ko naman madadala sa hukay ang ari-arian ko at pera. Masaya akong makatulong sa katulad ni Ara." "You are truly an extraordinary and exceptional person, Don Arturo," wika ni Arnaldo. "No wonder you are among the three most powerful entrepreneurs in our country." Ngumiti lamang si Don Arturo sa sinabi ni Arnaldo. "I guess that would be all," singit ni Andre. "Don Arturo actually need some rest today." "Of course," ani Matilda. "We should get going. Maraming salamat muli, Don Arturo. Habang buhay naming dadalhin ang kabutihan mo sa aming anak." Hinatid ni Andre ang mag-asawang Andrada sa labas ng hacienda. Ngunit wala pa rin ang kanilang anak. "Nasaan si Ara?" kunot noong tanong ni Matilda nang lumapit sa kanila ang kanilang private driver. "Hiniram po ni Senyorita Ara ang sasakyan, Madaam," sagot ng driver habang nagkakamot ng ulo. Dinala pala ni Ara ang sasakyan sa palayan. Naka-full blast ang music ng sasakyan habang dina-drive ito ni Ara. "Woohoo!" sigaw pa nito habang humahampas ang hangin sa kanyang mukha at hinahangin ang kanyang mahabang buhok. Wala kasing bubong ang vintage car. Nang mapansin na nasa palayan na siya ay ipinarke niya sa gilid ang sasakyan at bumaba siya para batiin ang mga magsasaka na tila kakatapos lang magtrabaho sa palayan. Pinagtitinginan si Ara ng mga ito habang siya ay naglalakad papalapit sa kanila. "Magandang hapon po," bati ni Ara. "Ito na po ba ang palayan ng mga Dela Torre? Baka kasi napasobra ako." "Nandito na nga po kayo," wika ni Wilma. "Siya nga po pala, maari po ba naming malaman kung sino kayo?" "Ako po si Ara Andrada." Nanlaki ang mga mata ni Wilma. Siya nga kasi ang usap-usapan ngayon ng mga tao rito sa lupain ng mga Dela Torre. "Senyorita! Nako! Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong ni Wilma. "Wala naman po," nakangiting wika ni Ara. "Siyang tunay na napakaganda mo, Senyorita," ani Wilma. "Ito nga po pala ang asawa ko si Romeo." Inilahad ni Ara ang kanyang kamay ngunit umiling si Romeo. "Nako! Marumi ang kamay ko, Senyorita! Nagagalak po namin kayong makilala," wika ni Romeo. "Nay!" tawag ni Noah sa kanyang ina mula sa 'di kalayuan. Nang makalapit ay napatigil siya nang masilayan niya ang napakagandang si Ara. "Anak! Halika!" hinila ni Wilma si Noah nang makalapit siya. "Ito nga po pala ang aming anak, Senyorita. Si Noah." Nakatitig ng may napakagandang ngiti si Ara kay Noah. "Magandang hapon sayo, Noah," bati ni Ara. "Magandang hapon rin sayo, Senyorita Ara," bati rin ni Noah. Parehas lamang silang nakatitig sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD