"Ano na ang nangyayari?" tanong ni Finn. "Ha! Baka lang hindi mo alam, Finn. 'Yang baliw na 'yan kinuha ang posas mo at ipinagdidiinan na may offense raw kaming ginawa," mabilis na sumbong ni Zandra. Tiningnan ako ni Finn na animo'y tinatanong kung totoo ba ang sinasabi nito. Tinitigan ko rin siya para malaman niya na hindi ako nagbibiro. Gusto ko silang makulong because nagka-cutting sila. "Don't flip the table, Zandra. Kung may sinungaling man dito, paniguradong ikaw na 'yon dahil remember? Ang pagsisinungaling ang talent mo," panggigisa ko. Kita ko kung paano tumaas ang kanyang kilay. Olright! Mainis ka hanggang sa tuluyan kang bumulagta sa sahig, boba! "Ano ang offense nila, Miss Yu?" tanong ni Finn para bawasan 'yong tensyon na namamagitan sa amin ng bijj friend ko. "Nagka-cutting