KEISHA Tirik na tirik ang araw, mainit ang simoy ng hangin, at tagaktak ang pawis ng mga mag-aaral na nananatiling nakatayo sa gitna ng field, dahil isang oras lang naman silang nakabilad sa arawan. Maagang pinatawag ni Kamatayan ang mga ito para sa flag ceremony na ginaganap t'wing Lunes. Ang limang minutong seremonya ay naging bangungot sa lahat nang i-announce ni Kamatayan na parurusahan niya ang lahat dahil sa nangyari kahapon. Ang unfair, 'di ba? Wala namang kasalanan 'yong madla, tangin ang tangnang stalker lang na 'yon, at si Shane ang dapat na maparusahan, pero bakit nadamay ang iba? Ang isinagot sa akin ni Kamatayan, para raw maging aral at babala ito sa nasasakupan niya na wag na wag akong kakalabanin. G*go ano? Talagang minamaliit ako ng buang. "Kamatayan, nakahanda na ang