AUTUMN Malalamig na butil ng pawis ang bumabalot sa aking katawan habang pinagmamasdan ang duguang katawan ni Xen. He was badly injured at maraming dugo na ang nawala sa katawan niya. I will never forget that day. I will never forgive, Sophia for what she has done. "Autumn? Sigurado ka na ba talaga rito?" tanong niya habang tinititigan ang puntod ni Naomi. Hindi ako nakasagot kaagad dahil hindi ko inaasahang isasama niya 'yong sinasabi niyang Zach. Talagang magkamukha nga sila, pati ang pormahan no'ng sinasabi ni Sophia na boyfriend ni Naomi. Tsss, hindi ako mapakali, dahil may kakaibang aura na ibinibigay itong lalaking 'to. Pero hindi ko na iintindihin pa iyon dahil masyado nang maraming laman ang isip ko. "Oo. Kailangan nating malaman ang katotohanan," tugon ko. "Ano naman ang