'Sulitin ang mga panahong malaya kayong nakalilipad sa malawak na hawla, ang katapusan ay malapit niyo nang madama. Ingatan ang mga sariling hindi malapa, matatalim na ngipin ay gutom na nakaamba.' KATE "Yah, see you in a bit, Tita!" masaya kong ani sa kabilang linya bago ibaba ang tawag. Labis akong nagtataka kung bakit bigla-bigla na lang akong kinontak ng nanay ni Kamatayan. As far as I know, isa pa 'yon sa mga dapat kong i-please upang makuha ang pabor nito. Ayon sa kanya, may nais lang daw siyang itanong sa akin tungkol sa kanyang anak. Like, may bagay bang hindi siya alam tungkol kay Kamatayan na posibleng alam ko? Well, whatever, ang mahalaga, ito na ang pagkakataon upang magpakitang tao ako't makuha ang kan'yang loob. At saka kagabi, natanggap ko 'yong balita galing kay Zandra n