Bago mabuwag ang pagkakaibigang nakalilok sa walang hanggan, may tatlong nilalang ang maligayang namumuhay nang mapayapa. Sa mura nilang edad, ang panghabang buhay na pagkakaibigan ay nakatatak na sa isipan ng bawa't isa. Ginugol nila ang kanilang buhay nang magkakasama at sinusuportahan ang lahat. Ang kapit tukong relasyon ay nabahiran ng kasakiman, unti-unting sinakop ang kanilang kaisapan, hanggang sa tuluyang naging marupok. Ang pangakong binitawan sa isa't isa, nabalot ng dugo ng kasinungalingan. Pitik bulag na nakipaglaro sa tadhana hanggang sa tuluyang nabuwag ang kanilang pagsasama. Naunang nasawi ang mapanlinlang na sawa. Sa pagpanaw, isang sumpa ang ipinamana. Ang kanyang galit ay nanatili sa puso ng kanyang kasintahan, at ang pinakatuso ang siyang kanyang gagantihan. FINN "A