MARIEVICK Malalim na ang gabi at hindi pa rin nakakalimot ang aking katawan sa hirap na sinapit ko sa kamay ni Keisha ngunit gagawa na naman ako ng panibagong hukay. Maingat akong humiwalay sa grupo at nagtago upang ibalita kay Zandra ang lahat. Hindi ko mapapatawad si Keisha na maging masaya dahil sa ginawa niya sa akin. Hindi man ako ang gagawa ng paraan upang makaganti sa kanya, I will use my connection with Zandra and Kate para makuha ko ang hustisya. "Hello? Zandra?" bungad na tanong ko sa kabilang linya. Garalgal na bumati pabalik ang kaibigan ko at naiintindihan ko naman kung magagalit ito sa akin dahil sa biglaan kong pagtawag. Hindi ko na kasi ito pwedeng ipagpabukas pa dahil babalik na agad kami sa SAA. "Sorry kung naistorbo ko ang tulog mo, may ibabalita lang ako sa iyo. Alam