DWIGHT Ito na ang huling araw ng Battle of the band. Dapat talaga bukas pa kami maghaharap ni Keisha, ang kaso dahil sa tinamong damage no'ng dalawa, nagkasundo na lang na mananatiling ikatlo ang Raven Soc at pang-apat ang The Gorgons. Naririto kami ni Keisha sa backstage at hinihintay na lang ang tawag ng MC. Walang kumikibo sa amin simula pa kanina, marahil ay isinasapuso na nito na ngayong gabi, hindi kami magkakilala, wala kaming relasyon, kun'di magkalaban. Nirerespeto ko naman iyon, pero gusto kong humingi sa kanya ng tawad dahil hindi siya mananalo sa akin. Pasimple kong binalingan ng tingin si Keisha at nagpakawala ng isang ngisi. 'Don't worry, I'll end this sht in a minute para makauwi na tayo agad,' bulong ko sa aking isipan habang ninanamnam ang magandang tanawin. "Kamatayan